Hay… Kahapon naaksidente kami ng mama ko! Pero okay naman na kami ngayon. Buti nalang matibay ako…
So eto yung nangyari:
6:30AM. Nakasakay ako sa jeep papuntang school. Tapos sa daan, may nadaanan kaming sasakyan (XLT) na tadtad ng bala ng baril. Sabi nung kaklase ko na taga-banda dun, mga 3Am daw yung sunud-sunod na putukan… May mga sabi-sabi ‘holdaper’ daw yung mga nakasakay, eh yung iba naman sabi ‘akyat-bahay’. Ewna ko, ang gulo. Yun yung pinag-uusapang kwento sa school… Akala ko yun lang yung magpapaiba sa araw ko. Then nung uwian, inantay ko yung mama ko para sabay kaming umuwi. Tapos sumakay kami sa bus na super-lakas ng sounds. Halos hindi ko na marinig yung pinag-uusapan namin ni mama. Garbe! Tapos ang bilis-bilis pa nung bus. Then bigla nalang umikot yung bus. Imagine: super-bilis, tapos nag-U-turn! Ayun, tumagilid. Naipit kami ni mama. HELL THAT BUS DRIVER! Dapat kasi chine-check-up nila yung sasakyan bago bumyahe. Lanya! Muntik nang mabalian nanay ko dun. Buti nalang hindi natuluyan, taz ako bukol lang ang inabot. Nung malaman kong hindi naman ako grabe, tinulungan ko kaagad si mama makatayo. Hinanap ko yung mga gamit namin.
Tibay ko no! Paglabas namin sa bus, ang daming duguan eh halos lahat sa ulo yung may sugat… Syet! Eh may kakilala pa naman akong kasabayan naming sumakay dun. Kawawa naman. Ang ginawa ko, tumawag ako sa auntie ko tapos nilagyan kami ng first aid. Tapos yun pinacheck-up kami ni mama. Taz yun umuwi nalang kami, kasi ang dami pa nilang nakalinya.
Hay! Ayoko nang mangyari ulit yun….
Subscribe to the comments via RSS Feed
Name: Neca